Investigation Team, binuo ng BPLO sa bar na may viral video

Bumuo ng investigation team ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Puerto Princesa para mag-imbestiga sa isang bar na mayroong viral video na may lalaki at babae na masayang-masaya sa isa’t isa habang nasa VIP room.

Ayon kay BPLO Chief Maria Theresa Rodriguez, pinalakad niya ang grupo ngayong araw para mag-beripika ng kung ano ang puno’t dulo ng nasa viral video sa social media.

Sabi ni Rodriguez sa Brigada News, ang nakalagay sa classification ng business ng bar establishment ay restaurant and bar lang.

Kaugnay nito, hihintayin ng opisina ang resulta ng imbestigasyon ng grupo bago sila mag-rekomenda sa maaaring ipataw na parusa sa may-ari ng establisyemento base sa ordinansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *