Investments sa New Clark City, posibleng dumami sa ngayong taon

Tiwala ang Bases Conversion and Development Authority o BCDA na mas darami pa ang mga investment na papasok sa New Clark City ngayong taon.

Kaugnay nito ay nagsagawa ng investment briefing ang BCDA at at United Kingdom Foreign, Commonwealth and Development Office o UK FCDO sa Regent’s University sa London, na binigyang tema na “New Clark City: The Philippines’ Sustainable Futurecity and Green Investment Destination”.

Ito ay dinaluhan ng mga British Company kung saan sila ay inanyahan na mag-explore para sa investment opportunities sa New Clark City.

Samantala, ibinida naman ng BCDA ang kahandaan ng New Clark City sa maraming mga investment na maaaring pumasok ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *