Isa patay, dalawa kritikal sa panibagong ‘election related violence’ sa Masbate

 ‘Dead on the spot’ ang isang sibilyan habang malubhang nasugatan ang kandidato para Kapitan at kapatid nito matapos sila tambangan sa Sitio Laray, Brgy Tan-awan, Placer, Masbate.

Kinilala ang nasawi na si Abrahan Dolores na nadamay lamang umano habang nasa kritikal ngayon na kondisyon ang tumatakbong Kapitan na si Nehemias Sayam, dating Cafgu at kapatid nito na si Bunso Sayam.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, lulan ng motorsiklo ang magkapatid at nangangampanya umano ang mga ito sa nasabing lugar nang bigla silang paulanan ng bala ng mga suspek.

Si Dolores umano ay naglalakad lamang sa naturang lugar nang tamaan ng mga bala sa tiyan na naging rason ng agarang kamatayan nito.

Kinilala naman ng PRO5 ang mga salarin na kasapi ng rebeldeng grupong NPA na pinamumunuan ni Raymond Dosdos alias Ka RM.

Sa impormasyon na nakuha ng Brigada News, si Nehemias Sayam ay dating miyembro ng NPA bago ito naging miyembro ng Cafgu.

Patuloy ang pagtugis ng pinagsamang puwersa ng Phil Army at PNP sa mga tumakas na rebelde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *