Kaso ng Covid-19 sa Koronadal, nagplateau na!

KORONADAL CITY — UNTI unti na umanong nagpa-plateau ang aktibong kaso ng coronavirus disease o Covid-19 sa lungsod ng Koronadal.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay City Mayor Eliordo Ogena, kinumpema nito na unti-unti nang nagpa-plateau at pababa na ang mga bagong kumpermadong kaso ng Covid-19 sa lungsod.

Resulta umano ito ng mga binagong patakaran kagaya na lamang ng pagbabawal na ng home isolation sa mga nag-positibo sa nasabing sakit.

Sinabi din ng alkalde na unti-unti na ring aalisin sa lungsod ang home quarantine sa mga taong nakasalamuha ng isang Covid-19 positive upang ma-kontrol ang galaw ng mga tao na posibleng may dalang virus.

Naniniwala ang alkalde na magpapatuloy ang pagbaba ng kaso sa kondisyon na susunod ang publiko sa mga patakaran na ipinatutupad laban sa Covid-19.

Pinasiguro naman nito na ginagawa ng city government ang lahat upang mapigilan ang pagkalat ng virus ngunit mahirap umanong i-kontrol ang mga taong ayaw magpa-disiplina.

Dagdag pa ni Ogena nagpapatuloy ang information drive, apprehension sa mga health protocols violators, massive swabbing at contact tracing sa lungsod.

Marami din umanong reserbang isolation facilities ang Koronadal bilang paghahanda sa posibilidad na tataas pa ang mga aktibong kaso ng Covid-19

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *