Kauna-unahang Fiesta Bicolandia, isasagawa ng DOT Bicol sa buwan ng Nobyembe

LEGAZPI CITY – Isasagawa ng Department of Tourism (DOT) Bicol ang kauna-unahang Fiesta Bicolandia sa buwan ng Nobyembre.

Sa panayam ng Brigada News Fm Legazpi kay Regional Director Herbie Aguas ng nasabing tanggapan sinabi nito, magsasama sama ang lahat festival, destination sa buong Bicol Region kasama rito anh anim na probinsya magmula sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay Catanduanes, Sorsogon at Masbate.

Aniya, lahat na magagandang produkto ng turismo ay ilalagay ito sa nasabing aktibidad kung saan ang magiging host nito ang Probinsya ng Albay.

Maliban pa rito, isasayaw rin sa kalye ng bawat lalawigan ang kanilang pinakasikat na festival sa aktibidad.

Layunin nito ay para ipaalam sa publiko na bukas na bukas na ang turismo sa pagtanggap sa nasabing rehiyon na mula sa ibat ibang local at international.

Sa ngayon pinapakita ng tanggapan na buhay pa rin ang mga festival matapos halos dalawang taon nanh walang aktibidad ang bawat Probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *