Lalaki na natagpuang patay sa Camalig, Albay kinilala na

LEGAZPI CITY- Nakilala na ang lalaki na natagpuan patay sa Barangay Solong, Camalig, Albay. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Omar Alemania, 28 anyos ng Barangay Maopi bayan ng Daraga, Albay at isang delivery rider ng isang online shop.

Ayon sa pulisya, alas-7 ng umaga nang umalis sa kanilang bahay ang biktima para magdeliver ng mga parcel sa Barangay San Vicente at kalapit pang barangay sa bayan ng Daraga.

Makalipas ang ilang oras, natagpuan na lamang ito na nakapiring at wala nang buhay ang lalaki sa tabing kalsada ng nasabing barangay.

May mga tama ito ng bala sa leeg, likod at iba pang bahagi ng katawan. Narekober ng otoridad sa crime scene ang 7 basyo ng bala ng 45 baril at 1 basyo ng 9mm.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen at kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *