Lalaki, patay nang matagpuan sa loob ng kaniyang bahay sa Cauayan City

Natagpuan na wala nang buhay ang isang lalaki sa tinutuluyan nito sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Sa nakalap na impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa PNP Cauayan City, ang nasawi ay kinilalang si Jessie Operaña, 40-anyos at residente rin sa nabanggit na lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, una rito ay nakatanggap umano ang himpilan ng report mula sa kaibigan ng nasawi kaugnay sa naturang insidente na agad naman nilang nirespondehan.

Pagdating sa lugar ay tumambad ang nakahandusay na lalaki at kinumpirmang wala nang buhay ng mga tumugong kasapi ng Rescue 922.

Napag-alaman din batay sa pahayag ng kapatid ng lalaki na mayroon itong problema at ang kinakasama kaya’t lagi umano siyang naglalasing at hindi na kumakain kayat posibleng ito ang dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Ayon pa sa salaysay ng kapitbahay nito, nakita umano niyang umiinom mag-isa ang lalaki sa loob ng bahay nito at wala namang narinig na anumang ingay mula roon.

Samantala, lumalabas sa ginawang pagsusuri ng Scene of the crime Operatives (SOCO) Cauayan City na hindi nakitaan ng senyales na pananakit o physical injury sa katawan ng biktima.

Photo/PNP Cauayan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *