Lalaking itinuturing na top 4 most wanted person at drug offender sa Noveleta, Cavite, arestado na

Bumagsak na sa mga awtoridad ang lalaking itinuturing na top 4 most wanted person sa Novoleta, Cavite na may kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Kinilala ng Cavite Police Provincial Office ang suspek na si alias “Carl” ng Brgy. Sta. Rosa 1, Novoleta, Cavite.

Kinasuhan ang nasabing suspek ng paglabag sa Sec. 5 and Sec. 11 Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act), gayundin ang paglabag sa RA 10591 kaugnay ng Omnibus Election Code.

Naareto si Carl matapos kumagat sa undercover ng pulis bilang poseur buyer kung saan nahulihan ito ng isang sealed transparent ng plastic sachet ng shabu, .38 caliber na baril at tatlong HSTPS na hinihinalaang naglalaman din ng shabu.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Noveleta Metropolitan Police Service (MPS) ang nasabing top 4 most wanted person.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *