BI, hinuli ang tatlong mga dayuhang may paglabag sa immigration laws sa NAIA

Arestado ang tatlong foreigner sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa mga paglabag sa immigration laws.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), natukoy nila ang mga dayuhan na si Teerasade Phutthichotiruksa, isang Thai national, at sina Chen Changdian at Lyu Yani na mga Chinese nationals.

Paliwanag ng BI, napansin ng isa nilang tauhan ang descrepancies at mga irregularities sa stamps sa passport ni Teerasade, kaya naging subject ito sa inspeksyon sa pamamagitan ng forensic documents laboratory.

Kalaunan ay napag-alamang counterfeited ang mga stamps na ito.

Samantala, nakita naman ng immigration officer na si Chen ang subject ng isang Interpol red notice matapos maging wanted para prosecution sa United Arab Emirates dahil sa kasong pagpatay noong 2022.

Nasa notice din ng Interpol si Lyu, dhail wanted ito dahil sa pagpapatakbo ng gambling house.

Sa huli, sinabi ni tansingco na binibigyang-diin ng naturang mga kaso ang pagiging mapagbantay at galing ng mga immigration officers pagdating sa pag-detect ng mga pekeng dokumento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *