Libreng sakay at grocery pinamahagi sa mga Senior Citizen na nagpabakuna sa Ligao City

LEGAZPI-Kasabay ng nagpapatuloy na pagbabakuna sa mga nasa A2 Category o Senior Citizen, ang lokal na gobyerno sa lungsod ng Ligao lalawigan ng Albay ay binuksan ang libreng sakay at libreng grocery para sa mga ito.

Sa impormasyon na pinalabas ng City Health Office, parte umano ito ng kanilang paghikayat sa mga senior citizen para magpabakuna ng Covid-19 vaccine.

Maaalala kasi na halos umabot na sa libo-libong senior citizen ang kanilang nabakunahan matapos magbaba ng kautusan ang Department of Health na pagtuunang mabakunahan ang A2 priority group.

Maliban dito, nakita rin ng CHO at LGU na maraming senior Citizen ang gustong magpabakuna ngunit malalayo ang lugar at mahihina na kung kaya naisipan nito na magpalabas ng estratehiya.

Dahil umano sa libreng sakay, di na pahirapan sa mga ito na gumastos at maglakad ng napakalayo at pakatapos rin umanong mabakunahan may dala-dala pa itong mga nakarepack na grocery items.

Ginawa rin na dalawa ang venue para mas marami ang mabakunahan at di ang mga ito mahirapan.

Isa sa Nasisi Covered Court para sa mga senior citizen mula mga barangays na nasa paanan ng Bulkan Mayon at sa sentro naman ng lungsod.

Sa ngayon, malaki ang pasasalamat ng mga otoridad dahil mas tumaas at rumami umano na mga lolo at lola na nagpapabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *