Magsasaka, tiklo sa buy-bust; mahigit P500K na shabu, nasamsam

Aabot sa P510K na halaga ng shabu ang nasamsam sa isang magsasaka sa ikinasang buy-bust operations sa bayan ng Pilar, Sorsogon.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey Idjao Banga, 40-anyos at  naninirahan sa Brgy Punta Waling-waling, Dalisay, Donsol, Sorsogon.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, kumagat sa pain ang suspek matapos na bumili ang isang operatiba ng halagang P36K na iligal na droga.

Agad na pinosasan ang suspek matapos ang transaksyon at nasamsam dito ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng 75 gramos at may DDB value na aabot sa P510K.

Ang anti-illegal drug operation ay pinangunahan ng regional drug enforcement units katuwang ang Pilar Municipal Police Station at 1PMFC.

Ang suspek ay nasa kustudiya na ng Pilar MPS habang ang nakuhang droga ay kinustudiya ng Regional Forensic Unit 5.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *