15 na mga tindahan sa Naga isinara dahil sa kawalan ng permit

NAGA CITY –Umabot sa 15 lahat na mga tindahan o stalls na nakapuwesto malapit sa gate ng Bicol Medical Center ang pinatigil ng City Government ng Naga dahil sa kawalan ng Mayor’s Permit sa kabila ng matagal ng paalala sa mga itong kumuha na.

Ang mga apektadong stall owners ay dumulog sa opisina ni City Mayor Nelson Legacion at humingi ng tulong dahil sa sitwasyong ito.

Ilan sa mga may ari ng tindahan ay nakausap ng Brigada News FM Naga at naihayag nila ang patong-patong nilang problema na epekto sa pagkakasara ng kanilang maliit na negosyo.

Ayon kay Digna Marcaida, marami silang hinuhulugang utang araw-araw tulad sa utang, possible aniya silang kasuhan at makukulong oras na hindi makabayad.

Mangiyak-ngiyak naman si Analyn Imperial sa pagku kuwento na halos wala na silang makain ngayon hirap sila ngayon lalo pa at buntis siya.

Si Angeline Paez ay ganon din, parati nang absent sa klase ang kanilang mga anak dahil wala na silang perang panggastos sa pagkain at iba pang kailangan nila .

Ang lote na okupado ng mga ito ay pag-aari ng Provincial Government.

Sa panig naman ng LGU-Naga nabanggit ni City Mayor Son Legacion na matagal na nilang inabisuhan ang mga ito na kumuha ng mayor’s permit ngunit hindi agad tumalima kaya ipinasara sila ng City Treasurer’s Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *