Mahigit 400 IPs sa Bicol nabigyan ng training sa ilalim ng 4ks program ng D.A

BICOL—Malaking bagay para sa mga miyembro ng Indigenous People community sa Bicol ang pagsasanay na naibigay sa kanila sa ilalim ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo o 4Ks Program ng Department of Agriculture (D.A).

Umaabot sa 418 na miyembro ng IP sa lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur at Sorsogon ang lumahok sa dalawang agricultural trainings sa high-value crops, livestock and poultry raising na ginanap sa kani-kanilang barangay tribal hall.

Ang programa ay bilang tugon sa hiling ng mga ito na capability activity sa isinagawang coordination meeting ng mga representante ng DA Bicol at ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) noong Marso.

Base sa assessment, mayroong mahigit 1,453 ektarya ng lupa ang mga Ips sa bayan ng Tiwi, Albay na inookupa ng nasa 5000 populasyon nito. Pero malaking bahagi ng lupa ay hindi mapakinabangan dahil kulang ang mga ito sa kakayahan para idevelop ito para sa livelihood at economic activities.

Ayon kay Tiwi Agricultural Officer Jose Claudio, ang mga pagsasanay sa ilalim ng 4K ay malaking bagay para maturuan ang IP communities hinggil sa organic agriculture production at asexual propagation ng Pili at Cacao.

Magbibigay umano ito sa kanila ng alternative livelihood lalo na at nagrerekober pa lang sa pananalasa ng mga bagyo noong nakaraang taon ang kanilang mga abaca at niyugan.# || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *