Malaking bahagi ng bansa makakaranas ng makulimlim na panahon -PAGASA

Makakaranas pa rin ng makulimlim na panahon ang malaking bahagi ng bansa dahil sa epekto ng Southwest Moonsoon.

Ayon sa PAGASA, asahan na ang kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa Ilocos Region, sa mga probinsya ng Zambales, at Bataan.

Makakaranas naman ng maulap na panahon na may tyansa ng pulo-pulong pag-ulan ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa.

Nagbabala ang PAGASA na posibleng magdulot ng pagbaha at landslides ang mga pag-ulan ngayong araw.

Samantala, asahan naman na nasa pagitan ng 24.6 hanggang 33 degrees celsius ang temperatura sa malaking bahagi ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *