Mapayapang halalan at tuloy-tuloy na pagkawala ng COVID-19 panalangin ng mga Muslim sa Camarines sur ngayon Ramadan

NAGA CITY- Mapayapang halalan at tuloy-tuloy na pakawala ng COVID-19 ang mga pangunahing panalangin ng mga muslim ngayong buwan ng Ramadan. Ito ang holiest month sa Islamic Calendar, isa sa mga haligi ng Islam kung kailan nag-aayuno ang mga Muslim.

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni Camarines Sur Muslim Federation President Mike Mustapha na sana sa kanilang mga panalangin ay gabayan sa pagpili ng mga kandidatong sunod na magsisilbi sa bansa at makita ang mga kikilala sa karapatan o pangangailangan ng bawat sektor.

Dagdag nito, ikinatutuwa nila ang pagbaba ng kaso ng COVID-19, sana aniya ay tuloy-tuloy na upang wala nang magbuwis ng buhay dahil sa sakit.  Kung mababa ang kaso, mas malayang nakakagalaw ang publiko, maganda rin ang takbo ng hanapbuhay.

Samantala , anumang edad ngayon ay maaari nang pumunta sa Mosque lalo na sa Naga City na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *