Marcos admin, target ipatupad ang 5-year term para sa mga brgy kapitan

Target ng incoming administration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpasa ng batas na magtataas sa termino ng mga barangay captains mula sa tatlong taon sa limang taon, pero subject sa tatlong termino.

Ayon kay incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, na batay sa kanyang karanasan bilang dating barangay captain, binigyang diin nito na ang pag-amyenda sa kasalukuyang termino ng limang taon na may limit sa tatlong termino ay magpapaganda sa barangay governance, taliwas sa kasalukuyang practice ng constant extension sa pamamagitan ng pagpapaliban sa barangay poll.

Matatandaan na noong 2019, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapaliban sa May 2020 barangay and SK polls sa December 2022, habang ang huling barangay at SK elections naman ay isinagawa noong May 2018, na naipagpaliban din ng dalawang beses, na dapat sana’y ginawa noong October 2016.

Dagdag ni Rodriguez , na ang pagpapataas sa term of office ng mga barangay officials ay magbibigay ng mas mataas na degree ng accountability, lalo na sa Mandanas-Garcia ruling na nakatakdang ipatupad ngayong taon, na magbibigay ng karagdagang pondo sa local government units (LGUs) pababa sa mga barangay.

Sa ngayon kasi, ang IRA ng LGU ay 40% ng national internal revenue taxes na nakokolekta ng BIR, pero kung maipapatupad ang Mandanas-Garcia ruling, inaasahang makakakuha ang LGUs ng 27.61% increase sa total IRA shares. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *