Mga asong nakabihis at naglalakad na parang tao, trending!

Pinabilib ng mga aso sa La Union at Zambales ang netizens dahil bukod sa pagiging cute na bantay, mapapa palakpak at standing ovation ka sa kanilang kakayahan.

Kaya kasi nilang maglakad gamit ang dalawang paa na parang tao.

Bukod sa kayang tumayo at maglakad, kinagigiliwan din ang mga aso dahil sa kanilang iba’t ibang OOTD.

Tampok ang dress, basket, at glasses, trending ang mga fur babies na ito!

Ayon sa amo ng dalawang aso, tuta pa lamang ay nakitaan na sila ng talent sa paglalakad nang nakatayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *