Kasalukuyang tinutugis ng Honolulu Police ang isang Filipino sa Hawaii kaugnay ng second-degree theft case.
Ang suspek ay kinilalang si Dylan Tolentino.
Sangkot si Tolentino, kasama ang isa pang suspek sa pagnakaw ng $25,000 sa isang store sa Kapolei, Honolulu.
Ayon sa mga otoridad apat na beses nang ina-convict si Tolentino at pinaniniwalaang nagtatago sa Waipahu area.
Hinihikayat naman ng mga awtoridad ang publiko na agad na ipagbigay-alam sa kapulisan sakaling mayroon silang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Tolentino.