Mga kaganapan sa ika-103 anibersaryo ng pagkakatatag ng Camarines Norte at ika-19 na Bantayog Festival ngayong Abril 2023 patuloy na isinasagawa pa rin

CAMARINES NORTE- Patuloy na isinasagawa ang mga kaganapan para sa ika-103 anibersaryo ng pagkakatatag ng Camarines Norte at ika-19 na Bantayog Festival ngayong buwan ng Abril.

Ngayong araw, April 12 hanggang bukas April 13 magaganap ang Personality Development Training para sa mga Tourism Ambassador, Little Miss at Binibining Camarines Norte 2023 alas 8 ng umaga sa Audio Visual Room ng Provincial Capitol Ng Daet Camarines Norte.

Magaganap naman sa ika-13 at 14 ng Abril ang ika-5 Bantayog Jobs Fair, ala una ng hapon sa Agro Sports Center. Kinaumagahan, April 15 isasagawa naman ang thanksgiving sa St. John the Baptist Parish Church para ika 103  pagkakatatag ng Camarines Norte.

Samantala, nauna ng naganap ang ilan sa mga aktibidad noong mga nakaraang araw katulad ng Kaogmahan sa Bagasbas, Bantayog RF games and Amusement Park at ang ika-6 na Bantayog Climb.

Matatandaan, noong ika-8 ng Marso, isinagawa sa Camarines Norte Agro Sports Center ang kauna-unahang Technical Committee meeting upang tipunin ang mga ahensya ng gobyerno, mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan, NGOs at iba pang event organizer na siyang magpapadali at mamamahala sa iba’t ibang aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *