MPD, wala natatanggap na threat sa Bagong Pilipinas Rally bukas

Hindi nagpapakakampante ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kahit na walang umanong mga natatanggap na mga pagbabanta sa ikakasang Bagong Pilipinas Rally, bukas sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay BGen. Arnold Thomas Ibay, District Director ng MPD, sinabi nito na mahigit sa 2000 na mag kapulisan ang nakadeploy sa Kick-Off rally sa linggo para masiguro ng kaligtasan ng publiko sa naturang aktibidad.

Paalala ni Gen. Ibay, huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na mga matutulis na bagay bagaman hindi sila magsasagawa ng pagkakap habang wala pa naman aniya silang direktibang natatanggap para sa signal jam ngunit posible pa rin itong ipatupad.

Napag-alaman na pangungunahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang event na dadaluhan ng kanyang pamilya, mga kalihim ng Gabinete, mga opisyal ng gobyerno, at iba pang mga kilalang inidibdwal kung saan tinayang mahigit sa 200K ang pupunta sa rally.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *