Muntinlupa, binigyang-diin ang abswelto kay De Lima

Ibinasura ng Korte ng Muntinlupa ang apela ng gobeyrno na bawiin ang pagpapawalang sala kay dating Senador Leila de Lima sa kanyang pangalawang kaso sa droga.

Ayon sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204, tinanggihan ito dahil sa kakulangan ng merit sa mosyon ng prosekyusuon sa kaso ng dating Senadora at ng dating bodyguard na si Ronnie Dayan.

Dagdag pa nito, ang pagbibigay ng mosyon ay paglabag sa constitutional prohibition laban sa double jeopardy.

Maalalang pinawalang sala sina de Lima at Dayan noong Mayo kasunod ng retraction ni dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos, na nagdulot ng makatwirang pagdududa sa pagkakasangkot nila dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *