Naga City health office namigay ng dengue NS1 antigen testing kit sa mga Barangay Health Workers dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue

NAGA CITY – Sa patuloy na pagdami ng kaso ng dengue sa Naga City na ngayon ay 161 na , ang city health office ang namigay ng mga Dengue NS1 Antigen Testing kit sa bawat barangay ng lungsod.

Galing mismo sa Department of Health na magagamit sa pag test kung may dengue ang isang individual.

Ang hygiene clinic ang nanguna sa pamimigay nito sa mga Barangay Health Workers na sila namang magte-test.  

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Grace Guevarra, ang head hygiene clinic sinabi nito na well-trained na nila ang mga BHWs kaya alam na ng mga ito kung papano gagamitin ang nasabing testing kit para sa dengue detection.

Anya’y may instruction na rin silang binigay sa mga ito, sakaling may mag positibo sa kanilang nasasakupang barangay, agad itong ipaalam sa kanilang klinika, para sa agarang aksyon medikal.

Nagpaalala din ang city health office na patuloy na sundin at gawin ang 4S laban sa dengue, gawing malinis lagi ang kapaligiran para iwas-sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *