Nurse na nanay, ibinigay ang 40% na kanyang atay sa anak na may sakit

Matagumpay ang isinagawang liver transplant sa UPMC Children’s Hospital of Pittsburgh sa Pennsylvania nitong Pebrero 21, 2024.

Buong tapang na ibinigay ni Haley Bice ang 40 porsyento ng kanyang atay sa anak niyang si Adleigh na ipinanganak na may kumplikasyon sa atay.

Sa loob kasi ng halos limang taon, hindi tumitigil sa gamutan ang batang babae hanggang sinabi na lang sa kanila isang araw na kapag hindi isagawa ang transplant sa lalong madaling panahon ay maaring kumalat ang impeksyon sa katawan ng bata at maging sanhi ng kanyang kamatayan.

Dahil dito, matapos ang pag-aaral ni Haley para maging family nurse, Pebrero ng taong kasalukuyan ay isinagawa na nga ang oprerasyon. Saad ni Haley na Ginawa niya lang ang nararapat para sa kanyang mahal na anak.

Sa ngayon, mabilis ang paggaling ng mag-ina mula sa operasyon. Saad pa ng doktor, magaling na ang sakit ni Adleigh at ito anya ay kakaiba kumpara sa iba pang operasyon na isinagawa rin sa kanilang hospital.### JEREMY LESNIANA, Intern

Image: Haley Bice/Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *