Octa, nakikita ang 5K daily COVID cases sa huling bahagi ng Pebrero

Posibleng bumaba na ang daily COVID-19 cases ng bansa sa halos 5,000 nalang sa huling bahagi ng Pebrero.

Ayon kay Octa Research fellow Guido David, tinatayang bababa muna ang daily cases sa less than 10,000 sa mid-February, bago ito lalong bumagsak sa halos 5,000 sa late February.

Matatandaan na simula noong Enero 5, naitala ng bansa ang mahigit 10,000 na mga kaso sa gitna ng banta ng mas nakakahawang Omicron variant ng SARS-CoV-2.

Kaugnay nito, noong January 15 nang magtala ang Pilipinas ng all-time high daily COVID-19 cases sa 39,004.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *