Nagbabara-barangay na ang Olongapo City Gov’t. sa isinasagawang one stop shop.
Ito ay para maipaarating ang iba’t ibang serbisyo ng lokal na pamahalaan na regular na ipinagkakaloob sa lungsod.
Kabilang sa mga dinagsang serbisyo ay ang Public Empleoyment Service Office o PESO dahil sa pagbabakasakali na magkaroon ng mapapasukang trabaho ang mga job seekers.
Ayon sa lokal na pamahalaan bawat barangay ay magkakaroon ng iskedyul para sa one stop shop caravan.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Olongapo City Information Center