P6.8M halaga ng droga, nasamsam sa General Trias, Cavite

Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa mahigit 6 milyong pisong halaga ng pinaniniwalaang shabu sa ikinasang joint buy-bust operation sa General Trias, Cavite.

Kinilala ng PRO-4a ang suspek na si Alvin Guiamal Makalay, tubong Maguindanao.

Narekober mula sa suspek ang 17 pakete ng pinaniniwalaang Shabu, armas at buy bust money na ginamit sa operasyon.

Isinagawa ang operasyon ng Special Operation Unit 4B-Philippine National Police Drug Enforcement Group (SOU 4B-PNP DEG), General Trias City Police Station, at Cavite Police Provincial Office – Provincial Drug Enforcement Unit.

Nakakustodiya na ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act no. 9165, o “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.″

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *