Pag-apruba ni PRRD sa limited pilot face-to-face classes, welcome kay Sen. Go

Welcome kay Senador Christopher Bong Go ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa limited face-to-face classes sa mga low-risk areas ng COVID-19.

Kasabay nito nanawagan naman si Go sa pamahalaan na ipagpatuloy ang pagpoprotekta sa kapakanan ng mga kabataan, lalo na ngayong may pandemya. “Importante ang edukasyon dahil ito ang tanging puhunan natin sa mundong ito.

Kaya hinihikayat ko ang mga bata na mag-aral kahit na may krisis tayong hinaharap sa paraang ligtas at hindi mailalagay sa peligro ang buhay nila at ng mga pamilya nila,” saad ni Go.

Suportado din ng Senador ang pagbubukas ng ilang higher education institutions sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ basta’t nasusunod lamang ang health and safety protocols.

“Sa lahat ng hakbang na ginagawa ng gobyerno, palagi nating inuuna ang pagprotekta sa buhay ng mga Pilipino. Bagama’t sinusubukan nating dahan-dahang bumalik sa normal ang pamumuhay, ang pangunahing konsiderasyon natin ay ang kapakanan ng mga tao lalo na ang kabataan,” pagbibigay diin pa ng senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *