Pagtaas ng civilian casualty ikinabahala sa gitna ng pinalawak na pagsalakay ng Russia sa Ukraine

Nagbabala si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na inaasahan na nilang mas mataas pa ang bilang ng mga sibilyan na nasawi sa pagsalakay ng Russian troops sa ibang bayan at lungsod sa kanilang bansa matapos mabunyag ang maraming nasawi sa bayan ng Bucha.

Sinabi ni Zelensky na base sa kanilang nakalap na impormasyon, mas marami pa sa mga nababalita ang bilang ng biktima ng mga nanakop na Russian military sa Borodyanka at sa iba pang “liberated cities”

Ayon sa pangulo, mas malala pa ang ginawa ng mga “occupiers” sa kanilang mga kababayan kumpara sa Nazi occupation, 80 tao na ang nakakaraan.

Kaugnay nito, tiniyak ni Zelensky na magbibigay sila ng maximum access sa mga mamamahayag sa Bucha at iba pang liberated cities sa Ukraine para makita ng mga ito at ng buong mundo ang ginawang pinsala at kaharahan ng Russian forces.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *