Pangulong Marcos, aminadong hindi pa rin natitigil ang vote buying

Aminado si Pangulong Bongbong Marcos na hindi pa rin natitigil ang vote buying.

Sa media interview sa Pangulo sinabi nitong mayroon pa rin anyang sumusubok at umiikot para bumili ng boto lalo na pag gabi.

Sa katunayan, kahit sa mismong balwarte ni Pangulong Marcos, may ilang reports na may nag iikot na namimili ng boto para sa BSKE.

Agad daw itong inaaksyunan ng COMELEC at ng pulisya.

Hirit naman ng Pangulo sa mga botante, wag itapon ang karapatan nilang makapili ng iluluklok na barangay officials nang walang kapalit.

Samantala, isa si Pangulong Marcos sa mga maagang bumuto kaninang umaga.

Pagpatak ng alas 7:04 nasa loob na ng kanyang polling precincts ang Presidente sa Mariano Marcos elementary school sa Batac City, Ilocos Sur.

Kasama nitong bumuto ang kanyang anak na si Congressman Sandro Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *