Partnership sa pagitan ng Primewater at Hanabana “trial” lang

CAMARINES NORTE – Aminado si Primewater Camarines Norte Branch Manager Johnson Chan na “trial” lang ang partnership nila sa Hanabana Construction and Equipment Corporation kasunod ng nag nangyaring pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng dalawang kumpanya noong nakatalikod na linggo.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni BM Chan na depende pa rin sa kanilang assessment kung hanggang saan ang partnership nila sa Hanabana dahil unang pagkakataon din umanong nagkaroon sila ng transaksyon sa huli.

Nakasaad sa pinirmahang MOA na magsusuplay ang Hanabana sa Primewater ng 5MLD na bulk water na siya namang isusuplay ng huli sa Daet South, Mercedes at Basud na problemado ang suplay ng tubig.

Ayon pa kay Chan, hindi  tinatanggap ng Primewater bilang  kahinaan ang pagpasok ng Hanabana dahil nag a- outsource naman daw talaga sila ng bulk water para masolusyunan ang problema sa suplay ng tubig.

Makakatulong umano ang Hanabana para sa mga iniisip nilang proyekto tulad ng pre- treatment facility at iba pa pero hindi naman aniya ibig sabihin na hindi kayang ibigay ng Primewater ang kanilang mga deliverables.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *