Sinimulan ng lokal na pamahalaan ng Masinloc ang pagbibigay ng social pension sa mga persons with disability sa lugar.
Ito ay upang magamit na ng mga PWDs ang ayuda at maidagdag sa pangaraw-araw na budget sa pagkain, gamot, bitamina at iba pa.
Sinimulan ang pay-out sa tatlong barangay ng Sto Rosario, San Lorenzo at Bamban nakaraang July 13.
Samantala ang ibang mga Pwds sa sampung barangay ay makattanggap ng pay-out hanggang July 16.
Ang mga bedridden ay pupuntahan na lamang sa kanya-kanyang bahay para ihatid ang benipisyo.//Russell Banawa-BNFM IBA