PBBM, duda sa pag file ng resolution ng isang senador kaugnay sa isyu sa WPS

Duda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa inihaing resolution ni Sen. Risa Hontiveros na layuning ilapit sa United Nations General Assembly ang pambu-bully ginawa ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pangulong Marcos, malaya ang senadora na mag file ng resolution ngunit hindi niya alam kung paaano matutugunan ng UNGA ang isyu sa pagitan ng China at Pilipinas.

Samantala, sinabi naman ni National Security Adviser Eduardo Año, gagawa sila hakbang para maaayos ang problema WPS nang hindi inilalapit sa UNGA.

Sa kasalukuyan pinag-aaralan pa lamang ng Pilipinas ang pagtugon sa problema West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *