PFL Cup, ipinagpaliban muna para sa laban ng Filipinas sa FIFA

Inanusyo ng mga tagapamahala ng football tournament na Copa Paulina Alcantara (PFL Cup) na ipagpapaliban muna ang mga laro sa Linggo, July 30, bilang pakiki-isa sa laban ng Women’s National Team na Filipinas sa FIFA Women’s World Cup.

Dahil dito, wala larong magaganap sa mga team na Philippine Air Force laban sa Loyola Meralco Sparks, at University of the Philippines laban sa Pilipinas Dragons.

Sa ngayon, wala pang kompirmasyon mula sa Philippine Football Federation (PFF) kung kailan maglalalaban-laban ang mga manlalaro upang ipagpatuloy ang tournament sa PFL Cup.

Sasabak muli ang Filipinas ngayong Linggo sa laban nito sa European powerhouse na Norway sa kanilang huling Group A match sa Auckland, New Zealand.

Ka-abang-abang ang laro na ito dahil kakapanalo lamang ng Women’s Philippine Team noong Martes, sa isang makasaysayang World Cup win.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *