PH, nagtala ng 5,881 new COVID-19 cases; Active tally, halos 52K na

Nagtala ang Pilipinas ng bagong 5,881 na mga kaso ng coronavirus disease 2019, dahilan para sumipa ang total tally sa 1,461,455.

Hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa limang laboratoryo na bigong magsubmite ng kanilang datos on time.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang bagong mga kaso ay nag-udyok para tumaas pa ang bilang ng active cases sa 51,902, kung saan, 90.3% ang mild, 4.4% ang asymptomatic, 2.2% ang severe, at 1.5% ang nasa kritikal na kondisyon.

Sa gitna nito, inanunsyo rin ng DOH na umakyat rin ang total recoveries sa 1,383,833, matapos maitala ang 3,003 pang pasyente na nakarekober mula sa respiratoty illness.

Samantala, 70 naman ang naiulat na bagong fatalities, dahilan para umakyat ang death toll sa 25,720. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *