PhilHealth nakabantay sa pagdami ng stroke patients

CAMARINES SUR- Isa sa mga pangunahing binabantayan ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) sa pagpasa ng PhilHealth Circular No. 2023-0021 o ang pagbibigay ng karagdagang tulong pinansiyal sa mga stroke patients ay ang patuloy na pagdami sa bilang nito.

Mula sa 28,000.00 para sa mga Ischemic Stroke Patients, umaabot na ito sa 76,000.00. Para naman sa mga Hemorrhagic Stroke na dating nasa 38,000.00, ngayon ay nasa 80,000.00 na ito.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Leri Ilagan, Public Affairs Unit Head ng PhilHealth Bicol, sinabing base sa kanilang huling tala nitong Setyembre, umabot na sa 650,000 sa buong rehiyon ang bilang ng stroke patients kumpara noong nakaraang taon na nasa 560,000 lamang. Sa Camarines Sur, bumaba ito sa bilang na 100 kumpara sa kaso nito noong 2022 na nasa 122.

Bagamat nasa 100 pa lamang ang naitatala sa kaso ng stroke sa Camarines Sur ngayong taon, hindi pa rin inaalis ng ahensiya na posible pa itong madagdagan lalo na ngayong holiday season kung saan kaliwa’t kanan ang mga handang pagkain na nagiging sanhi ng sakit.

Kung kaya’t maliban sa pagbibigay ng financial assistance, isinusulong din ng PhilHealth ang mga programang naghihikayat sa publiko ng malusog at masustansiyang pangangatawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *