Phivolcs nakapagtala ng 11 volcanic earthquake sa Mt. Bulusan;  bulkan, nananatili pa rin sa alert level 1

Kabuuang 11 volcanic earthquake ang naitala sa Bulkang Bulusan kahapon mula sa dating nairehistrong tatlong pagyanig noong nakaraang araw.

Sa pinakahuling datos na ipinalabas ng PHILVOLCS, batay sa magdamag na pagmamanman nakapagtala din ang ahensya ng 102 na tonelada ng sulfur dioxide flux.

Naitala din ang 50 metrong taas ng mahinang pagsingaw ng plume at mayroon pa ring ground deformation o pamamaga ng bulkan.

Dahil dito mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone o PDZ at pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-km Extended Danger Zone o EDZ sa gawing timog-silangan, paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan na ngayon ay nananatili pa rin sa Alert Level 1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *