PHO Camarines Norte naglabas ng mga rekomendasyon para makaiwas sa sakit na pertussis

CAMARINES NORTE – Naglabas ng mga rekomendasyon ang Provincial Health Office ng Camarines Norte para makaiwas sa sakit na pertussis sa gitna ng pagtaas ng mga naitatalang kaso nito sa Bicol Region.

Batay sa ipinalabas na advisory ng PHO nitong Biyernes, April 12,  na pirmado ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco at Governor Ricarte  “Dong” Padila, pinapaalalahanan nag publiko na magsuot ng facemask, palagiang maghugas ng kamay, i- practice ang cough and sneese etiquette at pagpapabakuna sa mga Rural Health Unit at clinic.

Kung makaramdam ng sintomas ng pertussis ay agad kumunsulta sa pinakamalapit na RHU at private clinics. Mas mainam din umanong i- practice ang social distancing at umiwas sa matataong lugar at palakasin ang Epedemiologic and Surviellance Units sa mga munisipyo at ospital.

Batay sa datos ng PHO hanggang nitong Biyernes April 12, wala pang naitatalang kaso ng pertussis sa lalawigan ng Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *