Pick-up sumalpok sa dump truck; 3 patay, dalawa sugatan

Patay ang tatlong indibidwal sa aksidenteng naganap alas 11:30 ng umaga kahapon, Marso 18 sa Diversion Road sa Sitio Baribag, Brgy Bibincahan, East District, Sorsogon City.

Kinilala ng Sorsogon City Police Station ang mga nasawi na sina Julius Del Ayre Herrera, 41-anyos, may asawa, driver ng Strada pick-up, naninirahan sa Brgy San Juan Roro, Sorsogon City; Dennis Oliver Labayo Janaban, 31-anyos, may asawa, residente ng Brgy Tugos, Sorsogon City at Jonathan Morillo Janer, 41-anyos, may asawa, residente ng OLV Brgy Bibincahan, Sorsogon City.

Ang mga sugatan ay kinilalang sina Anthony Nicolas Evaristo,, 25-anyos, binata residente ng Brgy San Roque, Bacon District at Ricky Me Janaban Rodrigo, 26-anyos, may asawa at naninirahan sa Brgy Penafrancia, Sorsogon City, lahat empleyado ng DPWH 1st Engineering District.

Ang driver naman ng dump truck ay kinilalang si Alex Labayo Dichoso, 43-anyos, may asawa at residente ng Brgy Macabog, Sorsogon City.

Lumabas sa imbestigasyon na tinatahak ng dalawang sasakyan ang magkasalungat na direksyon kung saan ang dump truck ay papuntang Brgy Cabid-an habang ang pick-up ay papuntang Brgy Guinlajon subalit dahil sa malakas na ulan ,at tinahak pa nito ang pakurbadang daan; sumagadsad ito dahil sa dulas ng kalsada.

Ayon sa  nakuhang witness ng investigating team ng Sorsogon City Police Station na driver ng isang behikulo sa likuran ng dump truck, ang pick-up umano ay nagpagiwang-giwang pa bago ito tumawid sa kabilang lane dahilan para masalpok ang dump truck.

Idineklarang ‘total wreck’ ng City Police ang pick-up.

Nasa kustudiya na ng pulisya ang driver ng dump truck habang inihahanda ang kaso laban dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *