Port of Masbate, isa sa 30 na seaport projects na nakumpleto na ng PPA

Sinabi ng Phil Ports Authority (PPA) na 30 seaport projects ang kanila nang natapos habang 19 pang proyekto ang makukumpleto na rin bago matapos ang 2023.

Kabilang sa 30 natapos na proyekto ay ang Port of Masbate na ngayon ay kayang tumaggap ng mahigit 500 na pasahero mula sa dating 100 katao.

Ito ay may lawak na 3000 sqm Port Operations Building at 1000 sqm Transit Shed na naglalaman ng mga kargamento mula sa Batangas, Cebu, mainland Bicol, at iba pang karatig isla.

Mayroon itong dalawang palapag na gusali na may free-wifi zone sa ground level, nursing area, prayer room, charging space, at all-gender restroom, habang ang workspace para sa POM division ay nasa ikalawang palapag.

Ang renovation ng nasabing port ay nagkakahalaga ng P142M.

Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, ang 30 first-rate na proyektong impratraktura ay makatutulong nang malaki sa ‘ease of doing business,’ paglalakbay at connectivity sa mga susunod na ilang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *