Presensya ng mga armadong grupo sa ilang mga bayan sa Camarines Sur ramdam ng pulisya ngayong paparating na halalan

NAGA CITY – Ramdam ng ilang mga bayan at himpilan ng pulisya ang presensya ng aramadong grupo sa Camarines Sur.

Batay sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni PMaj. Dino Regaspi,ang kasalukuyang hepe ng Tinambac Municipal Police Station, sinabi nitong nasa bulubunduking lugar ng bayan nagtatago ang mga armado.

Posible aniyang, manghingi ang mga ito ng campaign funds, permit to campaign ngayong campaign period.

Pinoproblema nina Regaspi ang mga taga barangay na nagbibigay suporta sa mga rebelde na sa pagtantiya nila ay nadadala lamang ng takot.

Magkagayunman, may detachment  ang militar sa kanilang bayan na siyang katulong nila sa kampanyang ito.

Nagkakaisa sa panawagan ngayong election period ang mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Interior and Local Government o DILG ,  Philippine Armt at PNP na dapat ang mga kandidato lokal ang huwag magbigay ng campaign funds sa mga armadong grupo o kaya sa mga rebeldeng New People’s Army.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *