PRO 5 Reg’l Director PBGen Jonnel C Estomo bumisita sa Camarines Norte

CAMP WENCESLAO Q. VINZONS SR.. CAMARINES NORTE- Bumisita sa Camarines Norte  ang kasalukuyang Regional Director ng Police Regional Office 5 na si PBGEN JONNEL C ESTOMO

Sa pamamagitan ng isang foyer honor ay sinalubong ang naturang opisyal ng mga tauhan ng Camarines Norte Police Provincial Office–Pulis Bantayog sa pamumuno ni PCOL JULIUS D GUADAMOR

Sinundan ito ng isang programa kung saan naging bahagi ng mensahe ni PBGEN ESTOMO, ang pag-ayon ng mga programa o “battlecry” ng mga police units sa ICP o Intensified Cleanliness Policy ni Chief PNP, PGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR at lokal na programa niya sa PRO5 na – “SAFE: A police service that is Seen, Appreciated, Felt and Extraordinary”.

Kasabay ng ginawang pagbisita ng PBGEN ESTOMO ay ang pagpapasinaya at pagbabasbas ng Lakan Guadamor 95: PATNUBAY LOUNGE

Ang pasilidad ay magsisilbing karagdagang tulong sa Pulis Bantayog upang lubos nilang magawa ang kanilang tungkulin sa extraordinaryong paraan.

Hinikayat naman ni PBGEN ESTOMO ang kapulisan na ipagpatuloy ang mga magagandang gawain para sa pagserbisyo sa komunidad at ang mga gawaing ordinaryo at maliliit na bagay ay gawing extra-ordinary para sa bayan

Samantala, ang pagdating ng naturang opsiyal sa lalawigan kahapon Mayo 12, 2021 ay ang kanyang kauna-unahang pagbisita sa Camp Wenceslao Q Vinzons Sr.

(Photo: CNPPO- Pulis Bantayog)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *