Publiko, hinikayat na huwag bumili LPG sa mga nag-iikot sa barangay

LEGAZPI CITY – Hindi pinahihintulutan ng Department of Energy (DOE) at Department of Trade and Industry (DTI) na mag-ikot sa mga barangay ang mga nagbebenta ng Liquified Petroleum Gas (LPG) lalo na kung wala naman silang permit.

Ayon kay Alex Rayos, supervising SRS ng DOE Retail Market Monitoring and Special Concern Division, huwag basta-basta bibili sa mga nag-iikot sa mga barangay na nagbebenta ng LPG dahil niloloko lamang sila ng mga ito.

Sakali mang may mga nag-iikot sa mga barangay at magbenta sa mga kabahayan, maaari nila itong isumbong sa BFP, DTI at DOE.

Paglilinaw ni Rayos, hindi rin ito madaling mapapatigil ng DTI, dahil maaaring gamitin ang mga ganitong tangke ng LPG kung ito ay commercial facts.

Samantala, ayon naman kay Mercedita Pastrana, LPGIA Executive Director, laganap pa rin ang mga iligal na gawain sa industriya ng LPG, katulad ng illegal refilling o pagrefill ng ibang brand ng LPG sa mas murang halaga, dahil hindi umano ito patas sa mga namumuhunan ng bagong silindro para sa ikakabuti ng industriya.

Dagdag pa nito, marami pa rin sa merkado ang nagbebenta ng mga generic o uncertified na LPG.

Umaabot pa sa humigit-kumulang sa 7M na mga underqualified generic cylinder products ang dapat i-check at i-test, habang aabot sa 20M ang naibebenta sa market.

Dahil dito, kailangan umanong tingnan nang maayos ang produktong binibili.

Dagdag pa niya, kabilang din sa mga dapat na tingnan ay kung mayroon itong tatak o markings ng produkto at official seal.

Sa bagong batas na RA 11592 o LPG Law of 2021, magkakaroon ng cylinder swapping at improvement programs upang mawala na sa merkado ang mga generic na LPG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *