PWDs, makatatanggap na ng tulong sa ilalim ng cash-for-work program ng DSWD

Isasama ng Department of Social Welfare and Development ang Persons with Disabilities (PWDs) sa Cash-For-Work program.

Sa ‘BUHAYnihan’ event sa Rizal, sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na kadalasang hindi napapansin at napag-iiwanan ang mga PWD sa komunidad.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng International Day of Persons with Disabilities.

Ayon kay Tulfo, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DSWD na pagtuunan ang pagbiibigay ng serbisyo sa mga PWD.

Samantala, sinabi ng kalihim na ang assistance para sa mga PWD ay hindi pa kasama sa pinag-uusapang budget ng DSWD sa 2023 budget.

Magiging available naman, aniya, ang mga pondo ng ahensya na nakalaan sa iba nitong programa gaya ng KALAHI-CIDSS Kapit Bisig Laban sa Kahirapan at Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Sa kabila nito, handa na ring umapela si Tulfo sa konggreso para sa monthly compensation ng mga PWDs.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *