Senior Citizens dagsa sa iba’t- ibang vaccination center sa Camarines Norte para magpabakuna

CAMARINES NORTE- Dagsa ang mga senior citizen sa iba’t- ibang vaccination center sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon para magpabakuna.

Ang mga ito kasi ang prioridad na makatanggap ng Janssen COVID-19 Vaccines (J&J) na dumating sa lalawigan ng Camarines Norte noong isang linggo batay sa advisory ng Provincial Health Office (PHO).

Kaniya- kaniyang diskarte ang mga Lokal na Pamahalaan upang mabakunahan ang mga nakatatanda.

Ang iba ay dumarayo sa malalayong Barangay upang magbakuna habang ang ibang barangay naman ay naglalaan ng sasakyan upang makapunta sa vaccination center ng munisipyo ang kanilang constituents.

Karamihan sa mga senior citizens na nakausap ng Brigada News FM Daet ay gustong- gusto na talagang magpabakuna lalo’t natatakot ang mga ito sa mabagsik na Delta variant.

Ang ilan naman ay mayroon pa ring pag- aalinlangan pero nakumbinsi na rin matapos mapaliwanagan ng kanilang mga kaanak at kaibigan.

Samantala, nasa 1, 600 doses na Moderna vaccine naman na gawa ng American company ang inaasahang darating sa lalawigan ng Camarines Norte anumang araw mula ngayon.

Dati na ring sinabi ng PHO na handa na ang kanilang storage facility para sa naturang brand ng bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *