Sorsogon, pangalawa sa may pinakamababa na halaga ng nakumpiskang droga sa rehiyon sa buwan ng Pebrero

Pumangalawa ang lalawigan ng Sorsogon na may pinakamababa na halaga ng nakumpiskang droga sa loob ng 29 na araw noong buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon.

Bunga marahil ito ng mahigit limang bayan at halos 300 barangay sa Sorsogon ang idineklarang drug cleared na ng Regional Oversight Committee noong nakaraang taon.

Ayon sa datos ng PRO5, pumalo lamang sa P901, 095.20 ang halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa Sorsogon habang pinakamababa ang isla ng Catanduanes na umabot lamang sa P1, 700.00.

Sa Camarines Norte naitala ang pinakamataas na bilang ng nakumpiskang droga na umabot sa mahigit P15M, kasunod ang Camarines Sur na mahigit P5M; Albay na may mahigit P3M, Naga City at Masbate na parehong may mahigit P1M.

Umabot naman sa 133 drug personalities ang naaresto sa 126 na anti-illegal drug operations.

Ang Pulis Kasanggayahan ay magpapatuloy sa matatag na pangako nito sa paglaban sa iligal na droga sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga partner agencies na sama-samang magsusumikap na labanan ang drug trafficking at itaguyod ang batas at kaayusan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *