Sorsogon, pumangalawa sa may pinakamaraming kaso ng ‘dog bites’ sa Bicol

SORSOGON CITY – Umabot na sa 4, 877 ang naitalang kaso ng mga nakakagat ng aso sa lalawigan ng Sorsogon simula Enero hanggang Hunyo nitong taon.

Sa ipinalabas na datos ng DOH-Bicol Infectious Disease Cluster, nanguna ang lalawigan ng Camarines Sur na may naitalang dog bites na umabot sa 8, 257, pumangatlo ang lalawigan ng Camarines Norte na may bilang na 4,744; Albay, 3,351; Masbate, 2,520 habang ang Catanduanes ay may naitalang 1,987 dog bites.

Ayon pa sa nasabing ahensya, tumaas ang kaso ng kagat ng aso sa rehiyon ng halos 50% kumpara noong nakaraang taon.

Paliwanag ng ahensya, mula Enero hanggang Disyembre ng 2020 ay may naitala silang 46, 831 dog bites kumpara ngayong taon, kung saan mula Enero hanggang Hunyo pa lamang ay may naitala nang 25,763 dog bites.

Pumalo naman sa 31 ang nasawi sa rehiyon dahil sa kagat ng aso mula Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon, kung saan ang Sorsogon ay nakapagtala ng 6; Camarines Sur, 11; Masbate, 7; Camarines Norte, 5; Albay, 2 habang wala namang naitalang human deaths ang lalawigan ng Catanduanes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *