SSS puspusan ang kampanya kontra  delinquent employers

CAMARINES NORTE – Puspusan ang paghahabol ng Social Security System (SSS) sa mga employer na hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin kaugnay sa social protection ng mga manggagawa.

Sa Press briefing nitong Martes, April 6, bago gawin ang Relief Afforded to Challenge Employers (RACE) dito sa bayan ng Daet, inihayag ni Atty. Ma Charissa Velasco ng Luzon Bicol Legal Department na  sa unang quarter pa lang ngayong 2024 ay nakapag isyu na ang SSS ng nasa 253 demand letters sa mga erring employers sa rehiyon at sa bilang na ito ay 59 na ang nag- comply.

Nasa 11 kaso naman ang naisampa at anim dito ay nag- comply na rin at nakolekta ang kaukulang halaga. Suma- total 55% ng mga nakasuhan ay nag comply na rin.

Noong nakaraang taon, 496 na demand letters ang inisyu ng SSS Luzon Bicol Division at mahigit 300 ay nakapag comply na rin sa pamamagitan ng pagbabayad ng full payment at installment o 64 % compliance rate.

Mayroon ding nai- file na 44 kaso noong nakaraang taon at s abilang na ito 28 na rin ang nag comply, nag- settle o nagbayad ng full paymeny o 63. 64 % compliance rate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *