Presyo ng inuming tubig sa grocery store walang naging pagalaw sa kabila ng mataas na demand ngayong panahon ng tag- init

CAMARINES NORTE – Walang naging paggalaw sa presyo ng inuming tubig na mabibili sa mga grocery store sa kabila ng inaasahang mataas na demand dahil sa matinding init ng panahon.

Batay ito sa Price monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) mula nang pumasok ang 2024 hanggang nitong Abril. Naglalaro mula P12 hanggang P88 ang presyo ng bottled at distilled water ng isang brand depende sa laki. Mula P11. 90 hanggang P82. 70 naman sa isa pang brand depende sa laki at P6 hanggang P50 naman sa isa pang brand.

Sa Purified water nasa P10 hanggang P18 ang presyo depende sa laki at brand habang sa mineralizes water ay naglalaro sa P6. 25 hanggang P72 depende sa laki at brand. Mababatid na isa ang Camarines Norte sa nakakaranas ng mataas na heat index dahil sa El Niño phenomenon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *