Storm surge, ibinabala sa Oriental Mindoro, Batangas, at Quezon

Nagbabala ang Pagasa na asahan ang storm surge na may taas na hanggang 1.0 meters sa mga baybayin ng Oriental Mindoro, Batangas, at Quezon sa susunod na 24 oras dahil sa severe tropical storm Jolina.

Ang mga nabanggit na lugar ay kasalukuyang nasa ilalim sa Signal No. 2.

Sinabi pa ng Pagasa na ang mga coastal areas sa mga lokalidad na nasa ilalim ng storm signals, lalo na ang mga nasa Signal No. 2 ay maaring makaranas ng coastal flooding dahil sa hazardous surf conditions.

Sa huling forecast, si Jolina na may maximum sustained winds na 95 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna ang pagbugsong umaabot sa 115 kph, ay maaring maglandfall sa San Juan o Lobo sa Batangas anumang oras.

Matapos nito, dadaan ang bagyo sa Batangas-Cavite area bago tahakin ang bunganga ng Manila Bay mamayang hapon, at susundan ng paglandfall sa bisinidad ng Bataan Peninsula.

Sa Biyernes, inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *