Subsidy para sa mga guro at estudyante sa HEIs, hiniling ng ilang mambabatas para sa Bayanihan 3

Isinusulong ni Kabataan party-list Representative Sarah Elago na maisama sa Bayanihan 3 ang subsidy para sa mga guro at estudyante sa higher education institutions.

Kinwestyon ni Elago sa interpellation para sa Bayanihan 3, kung bakit hindi napag-aaralan na mabigyan ng pondo ang mga HEI’s katulad ng basic education na mayroong P5.6-billion.

Dahil diyan ay iminungkahi ni Elago ang realignment  ng P700-million na pondo para magamit bilang subsidies ng mga guro at estudyante sa higher education institutions.

Ipinunto ni Elago na meron nang mga estudyante mula sa HEI’s ang nababahala sa kakulangan ng mga options na meron ito sa ilalim ng kasalukuyang learning setup sa gitna ng pandemya.

Iginiit ng kongresista na meron ilang estudyante ang walang basic support para sa blended learning lalo na ang mga galing sa mga pamilya na nawalan ng hanap-buhay.

Samantala, kinatigan naman ni AAMBIS-OWA party-list Representative Sharon Garin ang suhestyon ni Elago na dapat ay may suporta ang budget ng Commission on Higher Education para mapondohan ang mga pangangailangan ng mga empelyado ng higher education institutions.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *